broken · filipino · heartbreak · love · love-poetry · maybe · mess · poem · poetic · story · sweetness · tagalog · tale · time · tula · Uncategorized

hayatpigil

pigilan mo ang sarili mo,
wag kang ngingiti
pigilan mo ang sarili mo,
wag kang magsasalita
pigilan mo ang sarili mo,
wag mo syang isipin
pigilan mo ang sarili mo,
wag mo syang hanapin
pigilan mo ang sarili mo,
gago, di sya para sa’yo
pigilan mo ang sarili mo,
kahit masakit isipin
pigilan mo ang sarili mo,
wag mo syang alalahanin

pero sige hayaan mo lang
na masanay ka na wala siya
hayaan mo lang
na kumbinsihin mo ang sarili mong
wala kayong patutunguhan
hayaan mo lang
na isipin wala siyang pakialam
hayaan mo lang
wala namang kayo, sa totoo
kaya hayaan mo lang
na masaktan ang puso mo
hayaan mo lang
na lumuha ang ‘yong mga mata
sa tuwing maaalala mo siya
at yung mahal niya talaga
hayaan mo lang, tangina
damdamin mo yang sakit
hayaan mo lang na paggising mo
yun agad ang maaalala mo
hayaan mo lang, sige, mag-imagine ka
pati future niyo sanang dalawa
lahat ng pinapangarap mong gawin nya sana
hayaan mo lang
para lalong masaktan ka pa
hayaan mo lang kasi alam mo naman
hindi magiging totoo ‘yon kahit kailan
hayaan mong sampalin mo ang sarili mo
para ramdam mo yang kagagahan mo
para mas makirot, mas nakakasikip ng dibdib
pag nararamdaman mong nagiiba na siya ng himig

pigilan mo ang sarili mong umasa
pero hayaan mo lang na mahal mo siya
atlis alam mo sa sarili mo na nagmahal ka
habang siya, ni hindi niya kayang ipaglaban
ang sarili niya
pigilan mo ang sarili mo na magalit
pag-ibig lang iyan, wag kang magpa-ipit
kahit na ramdam mo na siya lang talaga
at alam mong babalik at babalik ka pag hinanap ka niya
hayaan mo lang, pumasok na sa puso ninoman eh,
alam mo din naman kung san ka babagsak, teh
pero pigilan mo ang sarili mo na magpakatanga
pakiusap, matanda ka na
hindi mo kailangan na pumasok sa isang relasyong
ikaw lang ang nagmamahal
hayaan mo lang, makakalimot ka din
isipin mo may taong dadating na mamahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa kanya, malay mo sumobra pa
pigilan mo na maging nega sa lahat
hayaan mo lang na ikaw ay magsaya’t umangat
pigilan mong ikumpara ang lahat sa kanyang titig
hayaan mo lang, lagi mong piliin ang umibig
magpigil ka na makulong sa ala-ala niya
hayaan mo lang, malilimutan mo din siya

wag mong pigilan, hayaan mo lang
ang kumpas ng panahon at nang pagibig mo
dadalhin ka din nayan sa kung sinong totoo
na magmamahal at magpapasaya sa’yo
wag kang maghintay, bigla ka na lang dadatnan
hayaan mo lang, sige, wag mong pigilan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s