happy · lesson · life · light · love · love-poetry · maybe · poem · story · sweetness · tula

tayo

wag na nating pagusapan

ang wala namang mapupuntahan

sayang lang ang puhunan

kung hindi rin magiging makabuluhan

ikaw naman kasi, boy

mahilig ka yatang maglaboy

kung saan saan makiki-ligoy

at hihintay sa unang sisiboy

at eto namang si ako

laging nagpapaloko

na parang bobo

sa salitaang ma-bulaklak, jusko

eh wala din naman pala

ako lang tong si tanga

habang siya, masaya

at may ibang kalandian talaga

jesusmaryajosepa

si gaga ay umasa

nagiimagine na sana ng future nila

mauuwi din pala sa ‘ano na’?

ganyan yata talaga ang buhay

sariling libingan ‘kaw mismo ang huhukay

sa kagustuhang mabigyan ng kulay

ang puso mong nalulumbay

okay lang yan, brader, ate

atleast, sa’ting sarili ati’y masasabi

pagmamahal ang tanging nilalabi

na kayang ibigay at hindi isinantabi

pero masakit din talaga

yung tipong umasa ka sa paasa

ung masaya ka na sana magisa

pero dadating sya, tuloy, apektado ka pa

di mo rin naman maiwasang magbigay ng tsansa

malay mo may mapuntahan naman diba?

malay mo maging totoo pala

malay mo sya na si Popoy at ikaw si Basha

malay mo sincere – malay mo di lang nya sinasadyang magkagusto sa iba

habang gusto ka rin nya

na mamahalin ka na daw sana, kaso sabi mo ayaw mo pa

kaya bumalik siya dun sa isa

malay mo naman, tao lang din si koya

malay mo naman malinis ang intensyon nya, pero nalito lang talaga

malay mo di nya sinasadyang pagpilian kayong dalawa

o di naman kaya

malay mo tanga ka lang talaga

malay mo mahal mo na pala sya, kaya kahil alam mo ang lahat ng ‘to, siya pa rin ang pinipili mo

kasi malay mo naman diba?

you never know

ang pagibig, hinihintay yan, hindi minamadali, hindi hinahanap

kung tingin mong worth it sya, edi gow na sa sabak

kung sumaya ka naman diba, ok lang masaktan? sayang nga lang magtiwala, tas gagaguhin ka lang

mag-ingat ka, mahal kita, ayaw kitang masaktan

pero alam ko kahit ano mangyari, may matututunan ka ‘jan

kaya sige, bahala ka, ang desisyon ay nasayo

alam kong nakakatakot, pero part of growth mo ‘to

baka mabigo ka, masaktan, magpaloko sa gago

pero malay mo naman maging pag-ibig din ‘to

malay mo diba? benefit of the doubt shet english na

tatapusin ko na nga

wag ka magalala sakin, strong ako

mas strong ako sayo, aminin mo!

pero seryoso,

kahit ano mangyare, nandito lang ako

alam kong gaga ako pero di kita ipagpapalit kahit kanino

 

β€” for JCR 😘

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s