filipino · heartbreak · lesson · life · light · love · love-poetry · maybe · mess · philipines · poem · poetic · regrets · story · sweetness · tagalog · tula · Uncategorized

umaga


heto na pala si umaga
di ko nanaman namalayang
nand’yan na pala
may kaunting liwanag
na dumadampi sa
maulan at madilim na gabi
buong madaling araw
nanaman akong gising
at nawiwili sa
pagbabasa ng mga sulating
nakakabagabag sa
aking damdamin
hinihintay ko lamang din
na magising ka
kahit na alam kong
katutulog mo lang
dahil kagabi ay
siyempre,
kasama mo siya
kayo’y nagkita’t
muli’t nagkasama
kaya hindi ka na
saaki’y nakasagot pa
totoo naman diba?
para sa’yo
ako’y nandiyan lamang
pag siya ay wala
pag hindi ka niya
kaya pang kausapin
pag siya ang mayroong
ibang gagawin
sa madaling salita
kung tayo’y mga sirang tubo
ako ang pangtapal mo
habang di pa dumadating
ang siyang kukumpuni sayo
kung tayo’y pagkain
ako lang ang merienda mo
habang hindi pa luto
ang ‘yong masarap na hapunan
kumbaga, laman-tiyan
para di ka magutom
habang hinihintay mo
ang siyang pumupuno
talaga sa’yo
ngunit bakit ganon
aking kaibigan?
di mo ba alam na
ako di’y nasasaktan?
sabagay, sino
nga naman ba ako
isa lamang sabit sa
matamis niyong kwento
wala ka na nga naman
dito, ‘di ba?
labas ka na dito
yan ang sabi mo
oo nga pala
malinaw nga pala ang usapan
ako’y sadyang
kaibigan mo lamang
sa bawat sandaling
napapangiti natin ang isa’t isa
sa bawat gabing tayo’y
magkausap hanggang umaga
sa bawat hatid, bawat sundo
sa bawat pagbabalik natin
sa ating nakaraan
at nagtatanungan
paano kaya kung naging
tayong dalawa?
tayo kaya’y naging masaya?
o sadyang magkakabiguan
at magpapaasa?
sa bawat yakap, bawat haplos
bawat halik, bawat yapos
bawat pangungumusta
kung ayos ka lang ba
bawat pagsambit mo sakin
na sana’y nandito ka
at pati na rin bawat
mahal kita
kaibigan.
kaibigan lang naman, diba?
oo mahal natin
ang isa’t isa
pero malinaw naman
na ang mas mahal
mo talaga
ay siya

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s