filipino · heartbreak · lesson · life · love · love-poetry · mess · poem · poetic · story · sweetness · tagalog · tula · Uncategorized

tmn

nakatutuwa naman,
napapangiti ako
sa pagsambit ng
mga salitang
hindi kayang aminin
na totoo
o, aking mahal,
heto nanaman tayo.
sa bawat pagkakataon
na tayo’y magkasama
sa harap nati’y
laging parang nakabitin
na nakasisilaw
na lampara –
ang ‘di maikakailang
katotohanan
na kayong dalawa
ang nararapat
para sa isa’t isa.
ngunit bakit ganito ka
saakin, aking sinta?
kung tutuusin, dapat
sa kanya ka lang di’ba?
uulitin ko, ako’y
litong-lito
di ko maintindihan ang
galawan ng utak mo
at ang mga katanungan
ay naglalaro sa isip ko.
bakit pinararamdam mo
sa akin na ako’y
mahal mo ‘din?
bakit mo ako
pinapahalagahan
na parang ako lang
ang sa puso mo’y
nananahan
kung ang katotohanan
ay siya naman
talaga ang laman niyan.
nais mo lamang bang
maging salawahan?
o hindi mo ba ito
itinuturing na
kasalanan?
o, aking kaibigan
heto nanaman ba tayo?
maglolokohan
gamit ang mga salitang
sinasabi ng labi
ikinakanta ng ating mga puso
ngunit hindi kayang
tanggapin ng isip?
nakatutuwa, oo
napapangiti ako
ngunit di rin maiwasang
umasa ng puso ko
sayo
kahit na alam ko
namang
wala lang ako
tangina, ‘di ba?
wala na ‘tong pinagbago
parang walang
pinagkatandaan
sa dami ng nakaraan
na nasasaktan
sa iisang bagay na
hindi na dapat maulit pa
na dapat nang iwasan na
ginagwa pa rin niya
‘tong puso kong tanga
na sinasabing
kaibigan lang kita
pero nasasaktan na
pag naaalala niya
pag nakikita niya
pag di nya maikaila sa
sarili nya
pag sinasampal na
ng buong mundo
na, puta,
tama na
hindi ikaw ang mahal nya
wag ka nang magpatuloy
sa ipinipilit ng damdamin mo
pigilan mo na
ang sarili mo
parang awa mo na
maawa ka naman
sa puso mong pagal
na patuloy na nagmamahal
sa mga taong
hindi mo dapat mahalin
na hindi
mo dapat
mahalin
uulitin ko
sinasampal ka na
ng buong mundo
pakiusap,
puta,
tama na.
tama na.
mahalin mo naman
ang sarili mo.
ang sarili mong
naghihintay lang
na mapansin siya
at pahalagahan.
pakiusap lang sayo
tama na.
tama na.
tama
na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s