heartbreak · lesson · life · love · love-poetry · mess · poem · poetic · story · tagalog · tula

katanungan

s’ya

saan ba nangagaling

ang inspirasyon na iyan?

sa pagmumulan

o sa patutunguhan?

sa pupuntahan

o sa babalikan?

sa agos ng buhay

o sa daloy ng nakaraan?

sa pagasa na meron pa

o sa ala-ala na kung pwede lang sana?

sa simpleng kamusta ka na,

maayos ka lang ba?

o sa alam mo naman,

tinatanong mo pa?

nakakain ka na ba o hindi pa?

nagdurugo parin ba ang puso mong wasak na wasak na?

nasaan ka na ba ingat ka?

kelan ka ba pupunta sa dapat mong pinuntahan na noon pa?

masaya ka naman ba?

saan nanggagaling ang lungkot sa iyong mga mata?

puwede ba kitang tulungang burahin ang kalungkutang iyan?

o isa ba ako sa mga nakadagdag niyan para sayo?

nahihirapan ka na ba

sa sitwasyon na’ting ito?

gusto mo na bang kumawala

ng boluntaryo?

 

hanggang katanungan

na lang ba

ang kaya nating sambitin

sa isa’t isa?

 

ako

ano, kaya mo ba akong

panindigan?

o ni hindi mo man lang ba

ako kayang tignan?

lalo ngayon

ngayong lumuluha

ang aking mga mata

sige, kaya mo bang

ngayo’y sabihin

na hindi mo ginustong

saktan ang aking damdamin?

na hindi mo ginustong

sugatan ang puso kong

nagmamahal sayo?

na hindi mo ginustong

mahalin sya

at paasahin lang ako?

ano, aking kaibigan?

kaibigan nga ba talaga?

kung ganon bakit lahat

sila ay nagsasabi

na niloloko lang natin

ang ating mga sarili?

tayo ba ay naglalaro lang

o sadyang naggagamitan?

tama ba sila nang sabihing

imposibleng pagkakaibigan lang

ang ating turingan?

at bakit sila ang nagdedesisyon

ng ating kahihinatnan?

kasi, kaibigan,

alam ko naman na ito’y

wala lang

sakanya ka pa rin naman

uuwi at mananahan

tama ba ang tingin ko sayo?

o sadya lamang na

hirap magtiwala ang

puso kong palalo

at ikaw naman ay

sadyang gago?

 

aking kaibigan,

sadyang hindi ko na alam

kung kaya’t aking uulitin

ang aki’y noon pa’y natanong

 

hanggang katanungan

na lang ba

ang kaya nating sambitin

sa isa’t isa?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s