philipines · poem · poetic · story · tagalog · tula

kaya

kaya ko naman pala
na wala ka
kaya ko naman pala
na hindi ka kasama
kaya ko naman pala
na masanay
na hndi ka nagaalala
na hndi ka nagpaparamdam
na hndi ka susulpot bigla
kasi kahit kailan
hindi mo naman yon
ginawa, diba?
kaya ko naman pala
na hindi umasa
sa mga salitang
mula sa iyong labi
sa iyong mga tawag
sa aking telepono
sa iyong mga yakap
sa iyong mga pangako
kaya ko palang
hindi umasa
sa ‘yong pagibig
kaya ko naman pala
kaya ko naman… diba?
kaya ko naman.
oo ako’y nasasaktan
di ko ipagkakaila
halata naman sa ‘king mukha
kaya ko namang tanggapin
na hindi talaga ako
ang nasa puso mo
kaya ko naman aminin
na siya talaga ang mahal mo
kaya ko
kaya ko
kaya ko
sa haba ng panahon
na pinagdaanan nating
magkasama
ilang beses mo na ba akong
napasaya at napatawa?
lalo na pag ang puso ko’y
sawa nang magmahal
ng mga pusong
nakakapagod mahalin
ikaw ang aking takbuhan
ikaw ang nagpapatahan
ikaw ang nagbubuo muli
ng puso kong durog
at pag ako’y masaya na
kaya ko nanamang magisa
kaya ko nanamang iwan ka
sa haba ng panahon
at sa dami ng pinagdaanan
kaya kong aminin
na ginamit kita upang sumaya
dahil alam kong lagi
ka lang nandiyan
para saluhin ako
kapag ako’y binitawan na
ng huling taong
may hawak sa akin
alam kong may magaalaga
may magbibigay ng atensyon
may magpapahalaga
may magmamahal
kasi nandiyan ka
noon
mahal kong kaibigan
kaya kong aminin
na ako ang may kasalanan
kaya kong aminin na
meron sana tayong
pag-asa noon
na meron sanang
tayo ngayon
na oo, tangina, ako na
si tanga
na binabalewala ka
noong panahong
sa iba ko nahahanap
ang saya
na sinusubukan mong ibigay
sa puso kong
ayaw pagbuksan
ang puso mo
sa puso kong luhaan ngayon
dahil sa iba mo na nahanap
ang dati’y aking tinatago
mula sayo
ewan ko ba
hindi ko alam
kung bakit ganito
ako ngayon
kung bakit ganyan na pala
ang pagtingin ko sayo
di gaya noon
mas madali pala noon, ano?
noong halos wala lang saakin
na balewalain ka
kesa ngayon na ika’y
para saakin ay lahat na
aking kaibigan
ako’y napapa-pikit
napapa-kunot ang noo
napapa-kagat sa’king labi
upang hindi tumulo
ang nagbabadyang luha sa gilid
ng aking mga mata
upang hindi mahalata na
ako’y nasasaktan
kapag nakikita kong
kasama mo siya
kapag nakikita ko
kung gaano mo siya kamahal
kung gaano niya napuno
ang mga butas na gawa
ng pagmamahal na hindi ko
nakayang ibigay
saiyo noon
ngunit
ang hindi ko kaya
ay ang iwanan ka
kahit na alam kong
sakanya ka masaya
na sakanya ka talaga
yoon ang hindi ko kaya
aking mahal
kaya… kaya ko naman pala
na maging kaibigan lang
sa paningin mo
gaya ng pagkaya mo noon
na kaibigan lang
ang tingin ko sayo
kaya ko naman pala
putangina
kaya ko naman
diba?
kaya ko naman.
kaya ko ‘to
para sayo
kakayanin ko

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s